Tuesday 10 December 2013

Driver at Bodyguard ni dating Congressman "Lord Velasco" na kilabot na Drug "Lord" sa Marinduque Timbog sa PDEA.


Noong nakaraang Enero, sa pinagsama-samang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IVB, Marinduque Provincial Police Office and Police Regional Office IVB Regional Intelligence Division ay nagsagawa ng isang buy-bust operation upang mahuli ang isa sa mga tinuturong "big time" drug pusher sa buong Marinduque.


Niici Buencamino
(Grabbed from his Facebook Account)

Nahuli si Niici Buencamino, 27 years old sa Barangay Bagong - Silang, Sta. Cruz  habang i-nabot nito ang isang plastic na naglalaman ng shabu sa asset ng mga operatiba kapalit ang halagang isang libo't limang daang piso (P 1,500). 

Narekober din sa kanya ang isang malaking plastik na naglalaman ng shabu na tinatayang umaabot sa P70,000.00

Sa kanyang pagkakahuli, kusang loob niyang itinuro si Mark Dexter Preclaro aka Macoy na siyang di-umano'y pinagkukunan niya ng malaking bulto ng shabu upang ibenta ito sa buong isla ng Marinduque.

Ayon pa sa kanya, bago siya mahuli ng mga operatiba ay galing siya sa bahay ni Macoy upang bayaran ang "salto" niyang nagkakahalagang P40,000.00 mula sa pinagbentahan niya noong nakaraang linggo na iyon.

Dinagdag pa niya, ilang oras lamang bago siya mahuli ay pinakita pa sa kanya ni Macoy ang "tatlong bulto" ng shabu na nagkakahalaga raw ng humigit kumulang na P120,000.00 na galing sa karatig probinsya na walang kahirap-hirap daw niya na-ipuslit ito sa ating lalawigan gamit ang mga sasakyan ng dating Congressman Velasco.

Naging hakbang ito sa mga operatiba upang imbestigahan si Macoy na kasama na sa listahan ng Most Wanted list ng PDEA Region 4B.


Mark Dexter Preclaro aka Makoy
(Grabbed from his Facebook Account)

Si Mark Dexter Preclaro aka Macoy ay galing sa isang kilalang pamilya. Ang kanyang ina ay isang Kapitana at ang kanyang ama naman na si Franco Preclaro ay kilalang announcer sa radyo at naging konsehal ng bayan ng Sta. Cruz, Marinduque. 

Si Preclaro ay kasalukuyang driver at naging staff ng dating kongresistang si Lord Allan Velasco sa Kongreso.

Dahil sa lakas ng impluwensya niya at ng kanyang pamilya, minabuti ng mga operatiba na sa Maynila mag-apply ng Search Warrant upang hindi masunog ang kanilang operasyon.



Copy of Search Warrant



Ika-10 ng Disyembre, bit-bit ang isang Search Warrant sumalakay ang mga pinagsama-samang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IVB at Marinduque Provincial Police sa bahay ni Mark Dexter Preclaro.


Copy of PDEA's Progress Report

Narekober sa kanya ang humigit kumulang na 19 gramo ng shabu, iba pang mga paraphernalias sa pagawa nito.

Narekober din ang isang mataas na kalibre ng riple, isang calibre .22, magasin at mga bala.

Ayon din sa kanyang Laboratory Result, nagpositibo din siya sa pagamit ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu.

Ayon sa ating impormante, malapit ang dalawang nahuling si Nicci Buencamino at Mark Dexter Preclaro sa dating Kongresistang si Lord Allan Velasco kaya't nahirapan ang mga operatiba na hulihin sila.


Makoy and Nicci with former Congressman Lord Allan Velasco


Former Congressional Staff of Lord Allan Velasco.

Hindi lamang daw isang driver at staff si Makoy ng dating Congressman Lord Allan Velasco, kundi lagi niyang kasa-kasama kung saan man siya magpunta.


Grabbed from Former Congressman Lord Allan Velasco's facebook
and it was tagged to Makoy's Facebook  

Dagdag pa niya, kung minsan daw ay ginagamit pa nito ang mismong sasakyan ng dating Kongresista upang kumuha at mag dala ng droga dahil kilala na raw ito at hindi na kinakailangang suriin pa ito ng mga tauhan ng pantalan. 



No comments:

Post a Comment