MANILA, Philippines - Hinihikayat ng isang
mambabatas ang mga overseas Filipino workers sa Egypt at Syria na umuwi na
lamang at magnegosyo upang hindi madamay at maipit ng kaguluhan sa dalawang
nabanggit na bansa.
Ayon kay Marinduque Rep. Regina Reyes, may
maganda namang programa at tulong na inaalok ng gobyerno sa mga ‘returning
OFWs’ kabilang na rito ang ‘livelihood package’ at pagpapautang ng kapital para
magsimula ng isang negosyo.
Sinabi ni Reyes, ang Overseas Worker Welfare
Administration (OWWA) ang nangangasiwa at magkakaloob ng kapital para sa mga
nais na negosyo na babalik na OFWs mula sa Egypt at Syria.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE)
naman ang magbigay ng libreng seminar sa mga nais pasuking ang negosyo ng mga
babalik na OFWs.
Muling iginiit ni Rep. Reyes na dapat
samantalahin ang mandatory evacuation ng mga OFWs sa Egypt at Syria na
ipinapatupad ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
“Habang may panahon pa at hindi pa nadadamay
sa kaguluhan ay umuwi na po kayo,” apila ni Reyes.
Si Rep. Reyes ay dati ring OFW na may pagmamahal
at malasakit sa kapwa OFW kaya ramdam niya ang hirap ng mga ito, lalo na ang
may mga anak at asawa na iniwan sa Pilipinas.
Mababasa dito