Showing posts with label Bakla. Show all posts
Showing posts with label Bakla. Show all posts

Thursday, 27 June 2013

TALO NA! AYAW PA MAGPA-AWAT!




Mas matindi pa sa ka pagkatalo sa Super Siyerna ng Eat Bulaga o isang barangay Ms. Gay Competition ang nararamdaman ngayon ni Lord Allan Velasco kaya't Hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ang kanyang pagkatalo nitong nakaraang eleksyon

Lumamang ang kanyang katunggali na si Atty. Regina "Ate Gina" Reyes ng humigit kumulang Apat na libong boto.

Tila hindi matanggap ni Lord Allan ang kanyang kahihiyan matapos maka-ilang ulit na nag VIVA at prinoklama ang kanyang sarili na panalo.

Matatandaang bago mag eleksyon nag viva na ang kanyang kampo dahil sinasabi niya na wala na siyang magiging katungali sa pwesto at dineklara na niya mismo na disqualified na at hindi na babasahin ng PCOS machine ang boto ng kanyang katunggali.

Ngunit hindi ito nangyari.

Muling nangulo ang kanyang kampo at sumugod ang kanyang mga taga suporta at abugado sa kapitolyo dala dala ang pineke nilang Comelec En Banc Resolution na May date na May 14, 2014.



(Ang Dokumentong ito ay makikita sa Blog ng bayarang si Obligacion, I-Click ang "dito" para makita ang kanilang mga katarantaduhan. DITO)

Hindi pinansin ng mga local board of canvasser ang sinasabi nilang kinatawan ng COMELEC sa Maynila dahil ginigiit nila na peke ang dala nitong dokumento.

Sa kanyang pagpupumilit ay pumunta siya sa maynila upang kausapin ang COMELEC at nagmaka-awang siyang iproklama, ngunit hindi parin sila pumayag.

Matatandaan na walang-humpay na pagpapalabas ng mga bayad anunsyo at mapanlinlang na balita ang inilabas ng kampo nila noong kampanya at proklamasyon. Talagang lango sa pagkatalo upang lokohin muli ang mga makababasa nito. Pero ang malungkot na katotohanan ay dapat na niyang tanggapin ang kanyang pagkatalo. Sawa at ayaw na sa kanya ng mga Marinduqueno. 

Tila nawala na sa katinuan ang talunang Kongresista at hinihimok niya ngayon ang kanyang mga taga supporta na muling mag viva at magmotorcade dahil siya parin daw ang uupo sa kongreso.

Marami tuloy Marinduqueno ang nagagalit at nagtaas ng kilay sa talunang kongresistang ito dahil tila pinagsisisksikan na niya ang kanyang sarili sa kongreso.

Ayon sa isang experto kinakailangan na ni Lord Allan Velasco na magpatingin sa isang Psychologist o Psychiatrist at sumailalim sa isang counseling at debriefing dahil nagkakaroon na siya ng sintomas ng hallucination.

Sunday, 31 March 2013

Modelo RAW ng Kabataan?





Noong nakaraang eleksyon, pinangatawanan ni Lord AllanVelasco na siya raw ang symbolo at tinig ng mga kabataang MarinduqeÑo.

Ngayon nang dahil sa kanyang mga napakong napako lalo na sa usapin ng skolar, sirang sira na siya sa ating mga kabataan. Kaya't mandin masyadong desperado na ang ating Congressman upang makuha muli ang boto ng ating mga kabataan.

Kasama ang kanyang mga "PAPA" este ang kanyang mga kaibigang basketbolista ay maghahamon sila ng kanilang tinatawag na "friendly basketball game" sa mga kabataan sa iba't ibang barangay sa ating lalawigan.

Ngunit ang masama dito ay pagkatapos ng kanilang laro ay aabutan niya ang mga kabataan ng isang brand ng alak at saksi po ang inyong abang lingkod sa katarantaduhang ginagawa nitong ating Congressman sa isang Barangay dito sa bayan ng Torrijos. Napasin ko rin na karamihan sa kabataang kanilang kalaro ay tila mga minor de edad pa!

Isang kagulat gulat at hindi katangap tangap na habang! Ito ay gawain lamang ng isang desperadong Pulitiko!

Imbes na pagkain nalang sana o kahit softdrinks man lang ang kanyang binigay sa mga kabataan, baket alak pa? sa kainitan ng katanghalian? anung utak meron itong si Velasco na imbis ilayo niya ang mga kabataang ito sa mga masasamang bisyo ay siya pa ang nagiging prumotor nito!





Tunay mandin na wala ng nagawang matino itong ating pulpol na kongresista. Na pati ang kaisipan ng mga kabataang marinduqueÑo ay kanyang sinisira. Paano mo nasabing simbolo ka ng kabataan? Hindi po tanga ang mga taga Marinduque. At lalong lalong nang hindi tanga ang mga kabataan!