Sunday, 31 March 2013

Modelo RAW ng Kabataan?





Noong nakaraang eleksyon, pinangatawanan ni Lord AllanVelasco na siya raw ang symbolo at tinig ng mga kabataang MarinduqeÑo.

Ngayon nang dahil sa kanyang mga napakong napako lalo na sa usapin ng skolar, sirang sira na siya sa ating mga kabataan. Kaya't mandin masyadong desperado na ang ating Congressman upang makuha muli ang boto ng ating mga kabataan.

Kasama ang kanyang mga "PAPA" este ang kanyang mga kaibigang basketbolista ay maghahamon sila ng kanilang tinatawag na "friendly basketball game" sa mga kabataan sa iba't ibang barangay sa ating lalawigan.

Ngunit ang masama dito ay pagkatapos ng kanilang laro ay aabutan niya ang mga kabataan ng isang brand ng alak at saksi po ang inyong abang lingkod sa katarantaduhang ginagawa nitong ating Congressman sa isang Barangay dito sa bayan ng Torrijos. Napasin ko rin na karamihan sa kabataang kanilang kalaro ay tila mga minor de edad pa!

Isang kagulat gulat at hindi katangap tangap na habang! Ito ay gawain lamang ng isang desperadong Pulitiko!

Imbes na pagkain nalang sana o kahit softdrinks man lang ang kanyang binigay sa mga kabataan, baket alak pa? sa kainitan ng katanghalian? anung utak meron itong si Velasco na imbis ilayo niya ang mga kabataang ito sa mga masasamang bisyo ay siya pa ang nagiging prumotor nito!





Tunay mandin na wala ng nagawang matino itong ating pulpol na kongresista. Na pati ang kaisipan ng mga kabataang marinduqueÑo ay kanyang sinisira. Paano mo nasabing simbolo ka ng kabataan? Hindi po tanga ang mga taga Marinduque. At lalong lalong nang hindi tanga ang mga kabataan!

No comments:

Post a Comment