Mistulang naging malaking Christmas Lights na ang Marinduque sa palaging pagpatay sindi ng mga ilaw ng bawat bahay dahilan sa brownout. Sinasabing may malaking pagkaka-utang ang MARELCO sa NAPOCOR na umaabot na sa ngayon ng 200+M piso.
Isang kahambugan nanaman ang pinamalas ng ating nag-iisang Kongresista na si Lord Allan Velasco noong nakaraang eleksyon.
Tumatagingting na 109 Milyong Piso daw ang matatangap ng MARELCO mula sa kongresista upang mabayaran ang utang nito sa NAPOCOR para matigil na ang brown-out dito sa ating mahal na lalawigan.
Nalalapit nang magtapos ang termino ng nasabing kongresista ngunit ni singkong duling ay walang nakuha ang MARELCO na biyaya mula sa kanya. Namuti na ang mga mata ng taong bayan sa kanyang mga pangako ngunit ni isa dito ay walang natupad.
Isa rin sa mga naipangako niya ay sosolusyonan raw niya ang problema sa tubig sa pagpapatayo ng mga water reservoir dito sa ating lalawigan. Ngunit sa mismo niyang bayan dito sa Torrijos ay talamak ang problema ng pagkawala ng tubig. Pila pila ang mga mamamayan upang magkaroon lamang ng malinis na tubig na gagamitin sa loob ng kanilang bahay.
Kawawa naman ang ating mga kababayan na umasa sa mga pangakong binitawan ng Batang Trapo. Na kahit ang kanyang sinasabing bayan na sinilangan ay hindi niya masolusyonan ang problema sa tubig. Hinayaan na lamang niya ang kanyang mga kababayan sa Torrijos.
No comments:
Post a Comment