Saturday, 23 March 2013

Biglang Yaman?


Isang Jetski na nagkakahalaga ng halos 300 thousand pesos at isang brand new at mamahaling sasakayang pandagat na nagkakahalaga ng 3.5 Milyon piso, mga bahay at condominum sa iba't ibang parte ng Metro Manila.


Yan mandin ang nabili ng ating nag-iisang Konresistang si Lord Allan Velasco sa kanyang termino. 



Saan kaya niya nakuha ang perang kanyang pinambili nito?

Hula-i: Ito kaya ay galing sa:



A: bigay ng kanyang asawang isa ring sinungaling na anak daw kuno ni Mr. Ramon Ang?

letter B: galing sa kanyang Amang Corrupt?

o sa letter C: sa tax na binabayad ng taong bayan?

Nakakapagtaka manding isipin na ayon dito, Ang inyong ama ay nakapagtala lamang ng halos 7 Milyong kabuuang yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN noong 2011 at sinasabing siya ang pinaka mahirap sa lahat ng hukom na naka-upo sa ngayon sa Supreme Court. E samantalang isa siya sa mga pinakamatagal nang hukom na nagtamin lamang ng kamote doon.

Isang sulat pa nga ang ipinadala ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ noong nakaraang taon na kinikwestyon ang maanomalya at hindi ka tanggap tanggap na SALN ng iyong ama ngunit, hanggang sa ngayon ay hindi parin niya ito sinasagot. (Dito mandin makikita ang liham.)


At sa parehong taon, ayon sa iyong pinasang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN. Ikaw ay may kabuuang yaman na humigit 12 MILYONG PISO! Anyare?! (Ang kanyang SALN)

Ang ibig sabihin ba nito ay mas mayaman ka pa sa inyong ama na matagal ng naka-upo sa Supreme Court? e samantalang ikaw ay nagsilbi lamang bilang Provincial Administrator noon at wala ka naman na kahit anong negosyo na pagkakakitaan. Saan mo naman ninakaw ang 12 Milyong pisong pera mo? Sa kaban ba ng bayan?



Nakakalungkot manding isipin na ang daming naghihirap na ating kababayan sa Marinduque, samantalang ang ating kagalang galang na Kongresista ay naglalagalag lamang sakay ng kanyang yate sa iba't ibang parte ng Pilipinas gamit ang pondo ng taong bayan.

Bistado na ang lahat ng panloloko nyo!

No comments:

Post a Comment