Hindi lamang pala ang ating mga mahal na mag-aaral na kabataang Marinduqueno ang nagpupuyos sa ngayon sa galit dahil sa pambibilog ng ulo sa mga pangakong napako ng "ningas cogon" na Kongresistang si Lord Allan Jay Velaso.
Nawalan na rin ng pag-asa ang mga Kapitan ng Barangay mula sa anim na bayan ng ating probinsya. Tunay manding wala tayong maaasahan sa lahat pangakong binitawan ni Cong. Velasco.
Ayon sa kanyang pampletang pinamimigay noong nakaraang halalan,
Nangunguna sa kanyang plataporma ang pangakong Pagbibigay niya ng ISANG (1) MILYONG PISO kada barangay sa kanyang termino.
Lubos na pagkadismaya at galit ang nadarama ng lahat na dumalo sa pagpupulong ng Samahan ng mga Barangay Kapitan sa ating probinsya na idinaos kamakailan lang.
Ayon sa isang Kapitan sa kapatagan, lubos siyang napahiya sa kanyang mga kagawad dahil kanya pang ipinagmalaki ang pangakong binitawan sa kanya mismo ni Cong. Velasco.
Taglay ang kanilang Barangay Resolution kinausap niya mismo si Cong. Velasco sa kanyang District Office. Kanyang pinanghawakan ang pinangako sa kanya ni Congressman na P 400,000.00 libong piso ang kanya raw ilalaan upang ipagawa ang kanilang lumang Barangay Hall at maaasahan niya raw nila ito bago matapos ang ikatlong bahagi noong taong 2012.
Ngayong tapos na ang taong 2012, pang-iinis at pang-aasar lamang raw ang natanggap ni Kapitan mula sa kanyang mga Kagawad na umasa rin sa pangakong binitawan ni Congressman Velasco Hindi na nga raw buong 1 Milyon na pangako ang kanyang inasahan at yung P400,000 libo nalamang ngunit kahit isang sentimo ay wala silang natanggap.
Pinanganak na sinungaling! Isang milyong piso sa bawat barangay ang unang ipinangako ni Congressman Velasco noong siya ay kumakadidato pa lang noong 2010. Nauwi sa apat na raang libong piso (P400,000) na ipinangako kay kapitan noong 2012. Tapos, sa kahulihan ni kusing ay wala ring naibigay! Walang duda baya!, sa sariling niyang bulsa napunta ang pera! Wari bang di matawaran ang takaw sa salapi nitong si Congressman Velasco, kung sabagay, di na nakalagulat, sadyang may pinagmanahan naman siya pagdating dito, ang kanyang butihing ama!
Di na mabilang ang dami ng mga namumuno sa barangay at mga mataas na pinunomg-bayan na dating kaalyado at kakampi ni Congressman Velasco noong nakaraang halalalan ay tuluyan ng nawalan na ng tiwala kay Cong Velasco. Sinugal kasi nila ang kanilang pangalan upang makasiguro na makatatanggap ng isang milyong pangako para sa kanilang barangay na naging isang milyong kasinungalingan. Tapos na ang tatlong taong termino ay wala ring naibigay na tulong si Congressman Velasco.
Hindi na kailangan ng anumang dokumento upang patotohanan ang mga salaysay na ito. Tayo at ang mga Kapitan ng ating barangay mismo ng makakapagpatunay nito.
Buong Isang Milyong Piso nga ba ang natanggap ng bawat Barangay natin sa Marinduque gaya ng pahambog na pangako ni Congressman Velasco? Hindi! Ang ating mga punong-barangay at tayong mga Marinduqueno ang sadyang niloko at pinaasa sa lamang niya.
Sa nalalapit na halalan, wala ring aasahan sa ating mga Marinduqueno si Congressman Velasco. Dapat niyang pakatandaan, Di tayo madaling makalimot.
No comments:
Post a Comment