Sunday, 10 March 2013

Mga Pangakong Napako ni Cong. Lord Allan Velasco. Ika - Apat na Bahagi


Kalahating "Covered Court" Milyon Ang Halaga! Oh ha!



Tunay mandin ang kasabihan na "Kapatid ng Sinungaling ang Magnanakaw". Isang salawikain na pinatotohanan nanaman ng Kongresisitang si Lord Allan Jay Velasco. Marahil ay ganoon na lamang siya talaga pinalaki ng kanyang mga magulang kaya't kahit ang mga mag-aaral, mga magulang, mga guro at mga opisyal ng paaralan ay ginagawa niyang tanga sa mga palusot niya.


Naging bali-balita na naman sa kapatagan ang di-umanoy panloloko at pagnanakaw na lubos na ikinadismaya at ikinagalit ng mga miyembro ng Parent and Teacher Association at mga opisyal ng barangay sa bayan ng Gasan dahil sa isang proyekto na hindi pa nga tapos pero ubos na raw ang pondo! Buong pagmamayabang pang nakapaskil ang EPAL niyang billboard malapit sa proyektong kapos na daw sa budget. Kapal ng mukha at sadyang walang hiya!


Ito po ay ang isa sa mga Proyekto ni Congressman Lord Allan Velasco na madaling kakikitaan ng anomalya. Nagsimula ang di-umanoy "construction" nito noong nakaraang 2011 pa at magpahanggang ngayon 2013 na, di pa rin tapos!


Kung titingnan nating mabuti ay kalahati lamang nito ang nalagyan ng bubong.



At tila pang "half-court" lamang ang disensyo ng pagkakagawa nito dahil kung titingnan ay nagiisa lamang ang ring nito.

Kapit po tayo sa mga kinauupuan o kinatatayuan at baka tayo mabuwal. Ang proyektong ito daw ay nagkakahalaga na raw ng APAT NA MILYONG PISO! Opo, mga kababayan APAT NA MILYONG PISO! Eh kalahati pa lang ang nagawa. Nasaan ang kalahati ng pondo? Naisubi na sa bulsa niya siyempre pa!

Ang isa pang nakakabuwisit na kwento ukol dito ay noong tinanong na ang kongresista kung kailan niya balak tapusin ang proyektong ito. Isa lamang ang kanyang laging tugon: "ubos na po ang budget para sa pagpapatayo natin ng covered court dahil mahal po ang mga na-angkat nating mga materyales, pero ipinapangako ko po pag ako ulit ang nanalo sa darating na eleksyon uunahin ko pong tapusin at ipagawa ito!" SUSMARYOSEP! ninakawan na nga, ginagawa pa tayong tanga na mga Marinduqueno.

Congressman, hindi po mga bata ang inyong kausap noong mga oras na iyon. Mga guro po na humuhubog sa kaisipan ng bawat mag-aaral sa paaralang iyon. Wag ninyo naman po sana silang gawing inutil upang hindi maunawaan ang mga pangloloko at mga kasinungalingan mo. Bistadong-bistado na.

Sa mga larawan po natin makikita ang katotohanan. 

No comments:

Post a Comment