Friday, 22 November 2013

Dalawang magka-ibang desisyon ng Korte Suprema - Binatikos!





Naglabas kahapon ng desisyon ang Korte Suprema sa pangunguna ni Justice Estrela Perlas-Bernab ukol sa petisyon na isinumite ni Wigberto Tañada Jr., laban kay John Alvin Tañada at naproklamang kadidatong ng lalawigan ng Quezon na si Representative Angelina Tan.

Ayon sa Korte Suprema, ang mga kaso at reklamo tungkol sa mga nanalo at naiproklamang kongresista at hurisdiksyon na ng HRET o House of Representative Electoral Tribunal, dahil ito ang nakalagay sa ating Sanligang Batas.

mababasa dito ang buong kwento.

Ngunit kasalungat ito sa desisyon na kanilang inilabas noong nakaraang buwan na sinasabing diskwalipikado ang nanalo at proklamadong Representante ng ating lalawigan na si Congw. Regina Ongsiako Reyes dahil sa reklamong dual-citizenship.

mababasa dito ang buong kwento

Lumamang ng halos 4,000 boto noong nakaraang halalan si Congw. Reyes laban sa kanyang katungaling si Allan Jay Velasco. Prinoklama ng Comelec at sumumpa sa opisina ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. 

Inakusahan noon ni Congw. Reyes si Justice Presbitero Velasco na iniimpluwesyanahan nito ang iba pang mga hukom sa Korte Suprema upang pumabor ang mga desisyon sa kanyang anak.

Kung totoo ang sinabi ni Justice Estrela Perlas - Bernab na ayon sa ating Sanligang Batas, na ang mga nanalo at proklamadong kongresista ay hurisdiksyon na ng HRET. 

Baket hindi nalang nila hayaan na ang HRET ang magpasya tungkol sa kaso ni Congw. Reyes at ni Allan Jay Velasco? Baket hindi mabitaw-bitawan ng Korte Suprema ang kasong ito?

Marahil ay nagkakaroon na rin ng linaw ang totoong impluwensya ni Justice Presbitero Velasco sa usaping ito.