Tuesday, 18 February 2014

100% Marinduqueño Smile!

L to R: Dr. Raymond Sulit, PP , Dr. Gerry Caballes, Provincial Administrator Bong Raza, RC-MN Rotarian Agnes Espino,
 PE Coun. Antonio Mangcucang III, RC-MN Rotarian Elsie Magturo, RC-Roxas PP Melrose S. Lunn, 
Dr. Dick Herndershot, Governor Carmencita O. Reyes, Dr. Steve Krebs, RC-PSA PE Theda Collantes

Ayon sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas ang pangalawa sa may pinakamataas na kaso ng cleft lip at cleft palate (pagka bingot) sa buong mundo, nangunguna dito ang bansang Columbia.

Sinasabing isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng wastong nutrisyon ng bata habang siya ay sinapupunan palang ng kanyang ina. Marami ding nagsasabihing ito ay namamana at dahil din sa iba’t ibang environmental factors.

Taong 1985 pa noong nagkaroon ng libreng operasyon ang ating probinsya para sa mga kabataang mayroong ganitong “facial deformities”.

Sa pangunguna ng Uplift Internationale, Rotary Club of Paranque Saint Andrews, Rotary Club of Roxas, Office of Congresswoman Regina Ongsiako Reyes at sa kanilang pakikipagtulungan at ugnayan sa Governor’s Office, Provincial Health Office at Rotary Club of Marinduque North, kanilang ilulunsad ang Operation Taghoy (Taghoy, salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay to whistle).

Ito ay libreng surgical operation para sa mga kabataang Marinduqueño edad 21 taon pababa upang palakasin ang kanilang kompyansa sa sarili, mabigyan ng perpektong ngiti at maayos ang kanilang pagsasalita.

Inaasahang humigit kumulang na 100 kabataang Maarinduqueño ang makikinabang sa proyektong ito.


Para sa pagpapalista, Maari lamang po kayong tumawag sa Opisina ni Congresswoman Regina Ongsiako Reyes – (042) 332-0340 at hanapin si Ms. Rowena Tolentino o makipag-ugnayan sa Provincial Health Office.