PANALO NI ATE GINA REYES SA HRET,
PANALO NG BAWAT
MARINDUKENYO,
PANALO NG BAWAT PILIPINO!
Noong nakaraang Biyernes, Pinagtibay ng botong 4-3 ang
Desisyon ang House of Represenatatives Electoral Tribunal (HRET) na Kongreso ang
tagging sangay ng pamahalaan na nararapat na mag desisyon sa usapin ng halalan
sa pagkakrongrsista na malinaw na naayon sa ating Saligang Batas. Taliwas ito
sa mga pahayag at desisyon na pinalabas ng Korte Suprema na halatang pumabor sa
talunang kandidato na si Allan Velasco na anak ng chairman ng HRET at isa sa
pinakamataas na Mahistrado ng Korte Suprema na si Associate Justice Presbitero Velasco.
Itinuwid ng HRET ang baluktot na sistema na gustong
pairaling ng mga nasa Korte Suprema upang mapagbigyan lamang ang anak ng
kanilang kasamahan. Ito ay malinaw na pagtatama sa mga pagmamalabis at abuso sa
kapangyarihan at dahil dito, hindi si lang si Ate Gina ang panalo at
makakakamit ng tunay na hustisyang ipinagkait sa kanya kundi pati ang kapwa
nating mga Marindukenyo at higit sa lahat, sa ating lahat na Pilipino na
nagiging biktima ng mapanggipit at mapanupil na sistema ng katarungan.
Balita mula sa Philipino Star Ngayon
Utos ng SC na patalsikin si Reyes
‘di susundin ng HRET
MANILA, Philippines - Hindi susundin ng House of
Representatives Electoral Tribunal ang kautusan ng Korte Suprema na patalsikin
na bilang kinatawan ng Marinduque sa Kamara si Congw. Regina Reyes.
Ayon kay Gabriel Rep. Luz Ilagan, miyembro ng HRET, 4-3 ang
naging resulta ng botohan.
Ibig sabihin, pinagtitibay ng HRET ang kanilang
kapangyarihan na sila lang ang may hurisdiksyon na humawak ng mga kasong may
kaugnayan sa electoral case ng mga miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso.
Dahil rito, ang susunod na proseso aniya ay ang pagtalakay
sa merito ng kaso, ito ay kung American citizen ba si Reyes o hindi.
Dito aniya bibigyan ng pagkakataon si Reyes na maidepensa
ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon. Pagkakataon na rin ito ni Reyes
para ipakita ang mga ebidensiya niya at ipagpatunay na siya ay isang Filipino
citizen. Matatandaang hindi nabigyan si Congw. Reyes ng mga pagkakataong ito sa
Comelec o kahit sa Supreme Court.
Ang basehan lang ng pag-disqualify kay Reyes ng Comelec ay
isang blog sa internet at isang xerox copy lang ng isang pirasong dokumento
mula sa Bureau of Immigration, na certified true copy. Hindi rin daw pinatawag
sa hearing ng Comelec ang nag-blog sa internet, o nakapirma sa BID document
upang tumestigo at magpatunay na katotohanan nga ang kanilang mga ebidensiya.
Sa kaniya ngang “Dissenting Opinion,’ mismong si Chairman Sixto Brillantes ay
nagsabing ang mga ebidensiya ay “double hearsay” lang.
Nagpasalamat naman si Reyes sa mga miyembro ng HRET na
bumoto na itaguyod ang karapatan ng HRET na duminig ng kaso niya, sa harap ng
pagpupumilit ng SC na masunod ang nauna ng desisyon nilang idisqualify na si
Reyes.Pinasasalamatan din niya ang buong Kongreso, lalo pa si House Speaker
Feliciano Belmonte sa mga suporta nito.
Matatandaang nanalo si Reyes ng mga 4,000 votes laban sa
katunggali nito na si Lord Alan Velasco, anak ng kasalukuyang HRET Chairperson
Associate Justice Presbitero Velasco ng Supreme Court..
No comments:
Post a Comment