Monday, 25 February 2013

PAMILYANG MANLOLOKO!


Ang "Party-list" ay isang grupo na kumakatawan sa tinatawag nating "Marginalized Sector" o mga maliliit na sector ng lipunan upang mabigyan sila ng boses sa ating Pamahalaan. Ngunit isa nanamang napakalaking panloloko at pambababoy ng Pamilyang Velasco sa ating Saligang Batas ng maghain sila ng kanilang  "manifestation of intent" para tumakbong party-list sa darating na eleksyon. Basahin dito.

Ang AMA o Ang Mata'y Alagaan ay kumakatawan DAW sa mga bulag at sa mga taong may iba't ibang sakit sa mata. Ngunit kung ating susuriin ay ni wala man lang sa kanilang doktor o kahit naging espesyalista sa mata at wala rin silang ni isang "track record" sa pagsusulong para sa interes ng kanilang sinasabing sektor na kakatawanin.    

Narito po ang mga nominado ng Pamilyang Manloloko: 

First Nominee: LORNA Q. VELASCO (wife of Justice Velasco and mother of Cong. Velasco of Marinduque)


Second Nominee: TRICIA NICOLE Q. VELASCO - CATERA (daughter of Justice Velasco and sibling of Cong. Velasco of Marinduque)


Third Nominee: VINCENT MICHAEL Q. VELASCO (son of Justice Velasco and sibling of Cong. Velasco of Marinduque)


Fourth Nominee: ALFREDO GUIAO JR. (in-law of Justice Velasco)



Comelec chair: Party-list system a joke
‘Many reps multimillionaires; 289 groups seek nod’
By Jocelyn R. Uy
Philippine Daily Inquirer

The list of groups seeking congressional seats gets stranger and more absurd every election season, making the party-list system a joke, according to Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr.

A quick look at the Comelec’s list of the groups shows that health promoters, aviation advocates, athletes and hobbyists, entrepreneurs, former drug users, ex-military renegades, school dropouts and even foreign-exchange dealers want to run for seats in the House of Representatives that the Constitution reserves for marginalized and underrepresented sectors.

In a review of party-list groups, the election watchdog Kontra Daya cited, among many other groups,  Ang Mata’y Alagaan (AMA), a group that claims to represent blind indigents and people afflicted with all kinds of eye diseases and disorders but whose nominees belong to the well-connected Velasco family.

AMA chose Lorna Velasco, a nurse and the wife of Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco, as its first nominee. Velasco’s daughter, Tricia Nicole, a lawyer, was chosen as AMA’s second nominee.
( at di napansin na ang pangatlo ay anak at ang pang apat ay bayaw)

“The Velascos are very powerful politically and economically, considering that they have as head of the family a sitting member of the highest court of this country,” Kontra Daya said.
“Clearly, the AMA has no bona fide intention to represent the sector it claims to represent, but rather to represent the interest of the already powerful, well-connected Velascos,” Kontra Daya added.


heto po ang pinagkunan.


Tuesday, 19 February 2013

Mga Pangakong Napako ni Congressman Lord Allan Velasco - Unang Bahagi



Congressman Lord Allan Velasco
NINAKAWAN NG KINABUKASAN!

Sa tuwing nalalapit ang halalan, tampulan ng biruan ang katagang - "Wala talagang kasiyahan ang mga mamamayan, pinangakuan mo na, gusto tutuparin pa!"  Ito mandin ang pinatunayan ni Cong. Lord Allan Velasco ng Marinduque. 


Sariwa pa sa ala-ala ko at sa mga kababayan kong Marinduqueno ang mga pangakong sinambit ni Lord Allan Velasco. 

Isa rito ang tungkol sa kanyang pangakong scholarship. 


"Gagawin kong 30,000 ang bilang ng iskolar kapag ako'y nanalo."

Tunay mandin na ang isda ay sa sariling bibig nahuhuli. Suriin po nating mabuti ang mga isinulat ni Ginoong Eli Obligacion, na tagapayo, tagapanulat at kilalang mistulang taga-hawak ng ari ni Lord Allan Velasco. 

Ayon kay Mr. Obligacion noong Hulyo 31, 2011 o mahigit isang taon sa panunungkulan ni Cong Vasco, Inihayayag nya na nakapagtala si Cong. Velasco ng 3,455 na iskolar. Ito ay 11.52% lamang sa kanyang pangakong 30,000 na bilang. Malinaw na binigo at niloko nya tayong mga Marinduqueno kung atin mang tatanggapin na makatotohanan ang bilang na ipinahayag. Basahin

Ngunit, alam nating lahat dito sa Marinduque ang hubad na katotohanan na mabibilang lang halos sa daliri ang kanyang iskolar kung mayroon man. Ang lahat ng mga mahihirap nating mag-aaral na itinaguyod ni Pareng Edmund at ni Nanay Carmencita sa loob mahabang panahon ay nahinto na agad sa pag-aaral pagkatapos lamang ng halalan sapagkat wala naman talagang programang pang-scholarship si Cong. Velasco. Marami sanang nakatakdang makapagtatapos na ng high school at kolehiyo noong panahong iyon ang tumigil na sa pag-aaral. 

Marami sa mahal nating mga kababayan ang ninakawan ni Cong. Velasco ng magandang kinabukasan. 

Ayon muli sa pitak ni Obligacion noong Agusto 31, 2012 makalipas ang mahigit dalawang taon ni Cong. Velasco sa panunungkulan, bumaba pa ang bilang kanyang mga islolar sa bilang na 2,072 o 6.9%.  Basahin

Patuloy nyang niloloko at pinagkakaitan ng magandang kinabukasan ang mga kabataang Marinduqueno. Nararamdaman ba ng kabataan at pamilyang Marinduqueno ang "programa sa pag-papaaral ni Cong. Velasco?" Ang kasagutan ay isang naghuhimiyaw na HINDI! Sapagkat ito ay kathang-isip lamang ni Cong. Velasco at ng kanyang mga alipores. 

Talagang  “ningas cogon” lamang siya at hindi maasahan sa tunay pagtulong.

Napaka halaga ng pag-aaral sa ating mga kababayang Marinduqueno. Sa edukasyon naitatanim ang binhi ng pag-asa ng bawat kabataang Marinduqueno  para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga pamilya. 

Friday, 15 February 2013

Mambabatas na Walang Batas!

Congressman Lord Allan Jay Velasco

Ilang araw nalang bago dumating ang halalan. Gayunman, tila "ningas cogon" lang ang pagganap ng nag-iisang mambabatas ng probinsya ng Marinduque na si Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco matapos ang huling sesyon ng ika – 15 ng Kongreso.



Ayon sa website na rollcall.ph. Sa loob ng tatlong taong panunungkulan, siya ay mayroong 87.07% na attendace rating. Ngunit makikita dito na noong nakaraang taon sa loob ng dalawampu’t isang (21) araw na pagpupulong sa Korengso ay 10 lamang dito ang kanyang dinaluhan o apatnapu at pitong porsiyento lamang (47%) ang kanyang ipinasok. Mas marami pa siyang absent o pagliban kaysa dinaluhan. Tinatamad na ba o sadyang tamad lang?



Kung ang basehan ng kagalingan ng isang mambabatas ay ang abilidad na maisabatas ang mga makabuluhang mga panukala na magtataas ng uri ng kabuhayan sa mga mamamayan at sa kanyang mga kinasasakupan, isang napaka-laking itlog na naman ang grado ng Kongresistang ito. 



Kung titingnan ang mga panukalang batas na kanyang ipinasa ay nangungulelat parin ito at mabibilang lamang sa daliri ang mga batas para sa kanyang probinsya.



Ayon sa report ng house index monitoring group of the bills and index department, Si Cong. Velaso ay nagtala lamang ng apatnapu’t tatlo (43) panukalang batas sa loob ng 3 taon nya ngunit isa (1) lamang dito ang naaprubahan ng Kongreso at ito ay ang pagpapalit ng pangalan ng Marinduque State College sa Marinduque State University. Hanggang magsara ang ika-15 Kongreso, wala pang naipapasa bilang isang ganap na batas sa kanyang mga panukala. Mistulang nangitlog at tumanga lang sya sa Kongreso.

Isa sa mga kontrobersyal at pinaguusapang panukala ni Cong. Velasco ang House Bill 5833 na nagnanais bawiin ang kalayaan sa malayang pamamahayag na nag lalayon na lalong pabigatin ang parusa sa mga kaso ng libelo, slander at pang-iintriga ng dangal mula sa dating aresto mayor at multa na bente pesos (P20) hanggang dalawang libong piso (P2,000) tungo sa aresto mayor at multa na nagkakahalaga ng isang libo’t anim naraang piso (P1,600) hanggang isang daan at anim na punglibong piso (P160,000). Nais amyendahan ng panukala ni Cong. Velasco ang Article 357 ng kasalukuyang Revise Penal Code (RPC).

Ikinagalit naman ng mga miyembro ng ALAM o Alab ng Mamamahayag ang panukalang batas na ito kaya ideneklara nila si Cong. Velasco bilang persona non-grata.