Congressman Lord Allan Velasco |
Sa tuwing nalalapit ang halalan, tampulan ng biruan ang katagang - "Wala talagang kasiyahan ang mga mamamayan, pinangakuan mo na, gusto tutuparin pa!" Ito mandin ang pinatunayan ni Cong. Lord Allan Velasco ng Marinduque.
Sariwa pa sa ala-ala ko at sa mga kababayan kong Marinduqueno ang mga pangakong sinambit ni Lord Allan Velasco.
Isa rito ang tungkol sa kanyang pangakong scholarship.
"Gagawin kong 30,000 ang bilang ng iskolar kapag ako'y nanalo."
Tunay mandin na ang isda ay sa sariling bibig nahuhuli. Suriin po nating mabuti ang mga isinulat ni Ginoong Eli Obligacion, na tagapayo, tagapanulat at kilalang mistulang taga-hawak ng ari ni Lord Allan Velasco.
Ayon kay Mr. Obligacion noong Hulyo 31, 2011 o mahigit isang taon sa panunungkulan ni Cong Vasco, Inihayayag nya na nakapagtala si Cong. Velasco ng 3,455 na iskolar. Ito ay 11.52% lamang sa kanyang pangakong 30,000 na bilang. Malinaw na binigo at niloko nya tayong mga Marinduqueno kung atin mang tatanggapin na makatotohanan ang bilang na ipinahayag. Basahin
Ngunit, alam nating lahat dito sa Marinduque ang hubad na katotohanan na mabibilang lang halos sa daliri ang kanyang iskolar kung mayroon man. Ang lahat ng mga mahihirap nating mag-aaral na itinaguyod ni Pareng Edmund at ni Nanay Carmencita sa loob mahabang panahon ay nahinto na agad sa pag-aaral pagkatapos lamang ng halalan sapagkat wala naman talagang programang pang-scholarship si Cong. Velasco. Marami sanang nakatakdang makapagtatapos na ng high school at kolehiyo noong panahong iyon ang tumigil na sa pag-aaral.
Marami sa mahal nating mga kababayan ang ninakawan ni Cong. Velasco ng magandang kinabukasan.
Ayon muli sa pitak ni Obligacion noong Agusto 31, 2012 makalipas ang mahigit dalawang taon ni Cong. Velasco sa panunungkulan, bumaba pa ang bilang kanyang mga islolar sa bilang na 2,072 o 6.9%. Basahin
Patuloy nyang niloloko at pinagkakaitan ng magandang kinabukasan ang mga kabataang Marinduqueno. Nararamdaman ba ng kabataan at pamilyang Marinduqueno ang "programa sa pag-papaaral ni Cong. Velasco?" Ang kasagutan ay isang naghuhimiyaw na HINDI! Sapagkat ito ay kathang-isip lamang ni Cong. Velasco at ng kanyang mga alipores.
Talagang “ningas cogon” lamang siya at hindi maasahan sa tunay pagtulong.
Napaka halaga ng pag-aaral sa ating mga kababayang Marinduqueno. Sa edukasyon naitatanim ang binhi ng pag-asa ng bawat kabataang Marinduqueno para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga pamilya.
No comments:
Post a Comment