Friday, 15 February 2013

Mambabatas na Walang Batas!

Congressman Lord Allan Jay Velasco

Ilang araw nalang bago dumating ang halalan. Gayunman, tila "ningas cogon" lang ang pagganap ng nag-iisang mambabatas ng probinsya ng Marinduque na si Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco matapos ang huling sesyon ng ika – 15 ng Kongreso.



Ayon sa website na rollcall.ph. Sa loob ng tatlong taong panunungkulan, siya ay mayroong 87.07% na attendace rating. Ngunit makikita dito na noong nakaraang taon sa loob ng dalawampu’t isang (21) araw na pagpupulong sa Korengso ay 10 lamang dito ang kanyang dinaluhan o apatnapu at pitong porsiyento lamang (47%) ang kanyang ipinasok. Mas marami pa siyang absent o pagliban kaysa dinaluhan. Tinatamad na ba o sadyang tamad lang?



Kung ang basehan ng kagalingan ng isang mambabatas ay ang abilidad na maisabatas ang mga makabuluhang mga panukala na magtataas ng uri ng kabuhayan sa mga mamamayan at sa kanyang mga kinasasakupan, isang napaka-laking itlog na naman ang grado ng Kongresistang ito. 



Kung titingnan ang mga panukalang batas na kanyang ipinasa ay nangungulelat parin ito at mabibilang lamang sa daliri ang mga batas para sa kanyang probinsya.



Ayon sa report ng house index monitoring group of the bills and index department, Si Cong. Velaso ay nagtala lamang ng apatnapu’t tatlo (43) panukalang batas sa loob ng 3 taon nya ngunit isa (1) lamang dito ang naaprubahan ng Kongreso at ito ay ang pagpapalit ng pangalan ng Marinduque State College sa Marinduque State University. Hanggang magsara ang ika-15 Kongreso, wala pang naipapasa bilang isang ganap na batas sa kanyang mga panukala. Mistulang nangitlog at tumanga lang sya sa Kongreso.

Isa sa mga kontrobersyal at pinaguusapang panukala ni Cong. Velasco ang House Bill 5833 na nagnanais bawiin ang kalayaan sa malayang pamamahayag na nag lalayon na lalong pabigatin ang parusa sa mga kaso ng libelo, slander at pang-iintriga ng dangal mula sa dating aresto mayor at multa na bente pesos (P20) hanggang dalawang libong piso (P2,000) tungo sa aresto mayor at multa na nagkakahalaga ng isang libo’t anim naraang piso (P1,600) hanggang isang daan at anim na punglibong piso (P160,000). Nais amyendahan ng panukala ni Cong. Velasco ang Article 357 ng kasalukuyang Revise Penal Code (RPC).

Ikinagalit naman ng mga miyembro ng ALAM o Alab ng Mamamahayag ang panukalang batas na ito kaya ideneklara nila si Cong. Velasco bilang persona non-grata.      

No comments:

Post a Comment