Tuesday, 3 December 2013

Pakiki-alam ng Supreme Court sa talunang anak ni Justice Velasco?


Muli nanamang naglabasan sa ating mga pahayagan ang di umanoy pagkakadiskwalipika ng nag-iisang Representante ng ating lalawigan na si Congresswoman Regina Ongsiako Reyes.

Halos kada linggo nalang ay may lumalabas na bagong balita na ang natalong si Congressman Lord Allan Velasco ang uupo sa kongreso.

Ngunit hanggang kailan kaya maglalabas ang kampo ng dating Congressman ng mga mapanira at mapanlinlang na artikulo ukol dito.

Hindi na rin kasi natutuwa ang mga mamamayang Marinduqueño sa kanyang pagpilit na maka-upo para sa ika-16th Kongreso.

Maliwanag sa kanila na nanalo at mas pinili nila si Congresswoman Reyes dahil lumamang siya ng halos Apat na Libong boto noong nakaraang halalalan.

Hindi na rin lingid sa kanilang ka-alaman na ginagamit ng Pamilyang Velasco ang kanilang impluwensya upang mabaliktad ang katotohanan.

Sawang sawa narin sila sa mga balita na lumalabas sa pahayagan na nagkaroon na ng pinal na desisyon ang Korte Supreme. Alam nila na ginagamit lamang ng Pamilyang Velasco ang media upang malito ang taong bayan.

Naninindigan silang House Representative Electoral Tribunal (HRET) na ang hahawak ng kaso ng mga na-iproklama at nanalong kongresista dahil ito ay naayon sa Sanligang Batas at wala nang saysay kung anu man ang nilalabas ng Korte Suprema.

 

 

No comments:

Post a Comment