Tuesday, 19 August 2014

HOKUS POKUS!


Halos nakaka-kalahating termino na ang ating Kongreso ngunit "Never Say Die" parin ang drama ng mag-amang Velasco at hanggang sa ngayon ay hindi parin nila matanggap ang kanilang pagkatalo!

Kahapon ay may mga naglabasang mga artikulo sa iba't ibang pahayagan na kumakalat di umano ang Desisyon ng House of Representative Electoral Tribunal (HRET) para sa kaso nila Congresswoman Regina Reyes at Allan Velasco.

Naloko na! Parang premature baby lang na wala pa sa kabuwanan ay lumabas na agad!

Dahil sa August 28 pa dapat maglalabas ng desisyon ang HRET sa kahihinatnan ng kasong ito. Maliwanag na may pag mamani-obra at halatang hindi pinag aralang mabuti ang mga ebidesya na iprinisinta ng magkabilang panig!


Ebidesya 

Para lamang sa kaalamanan ng lahat, ang tanging ebidensya lamang na iharap ng panig ni Allan Velasco ay isang artikulo mula sa blog ni Eliseio Obligacion na alam naman nating lahat na empleyado at sinuswelduhan gamit ang pera ng taong-bayan noong nakaraang termino ng dating kongresista. Ni walang sapat na katibayan ang akusasyong ito kaya't nakakapag takang pinanigan ito ng COMELEC lalong lalo na ang Korte Suprema!


Pag mamani-obra

Hindi rin lingid sa kaalamanan ng lahat na ang ama ng dating kongresista ay isa sa mga makapangyarihang tao sa pinaka mataas na sangay ng hudikatura na may kapal ng mukha at tapang ng sikmurang maki-alam sa kahihinatnan ng kaso, kaya walang duda na tinaguriang "Hoodlum in Robe" ng kanyang mga kasama sa Korte Suprema. Bukod dito, siya rin ang nakaupong Chairman ng HRET kaya walang kaduda-dudang may hokus pokus sa desisyong ito.

Halos isang taon mula noong nagsalita ang ating mga kababayang Marinduqueño ukol sa usaping ito. Humigit kumulang na "Apat na Libong boto" ang nilamang ni Congresswoma Regina Reyes noong nakaraang halalalan, na panalo ultimo sa banyang sinilangan ni Velasco. 

Sana naway magkaroon naman ng kahit konting kahihiyan ang mag-amang ito at irespeto ang boses ng mga Marinduqueño! Hanggat hindi nila natatangap ang kanilang pagkatalo, sa huli ang taong bayan ang talo!

No comments:

Post a Comment