Wednesday, 27 August 2014

Sa Laban ni Congw. Ate Gina Reyes at Allan Velasco? Sinong Talo?


Bukas nakatakdang pag desisyonan ng House of Representative Electoral Tribunal o HRET ang usapin ukol sa kaso ng ating Congresswoman Ate Gina Reyes at sa talunang si Allan Velasco.

Nakakatuwang isipin na hanggang sa ngayon ay hindi parin matanggap ni Allan Velasco na hindi na siya gusto ng mamamayang Marinduqueño, noong natalo siya ng higit kumulang na Apat na Libong Boto laban kay Congresswoman Ate Gina Reyes. Nakakatuwa ding isipin kung gaano kakapal ang mukha nito upang hindi IRESPETO ang naging boses ng kanyang boss – ang mga Marinduqueño!

Noong nakaraang linggo ay lumabas sa mga pahayagan ang di umano’y pagkalat ng Desisyon sa mga miyembro ng HRET at ng House of Representative na magiging pinal na ang desisyon sa pagkaka diskwalipika sa nanalong Kongresista.


KAWALAN NG HUSTISYA

Anu na kaya ang nangyari sa Maguindano Massacre? Kamusta na kaya ang paggulong ng kasong ito? Halos mag lilimang taon na noong nangyari ito, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi parin nakakamit ng 58 pamilya ang kanilang hustistya.

Sa mga kaso kaya ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo? Anu na kaya ang nangyari? Nagkaroon na rin kaya ng desisyon sa kanyang patong patong na plunder case?

Ilan lamang po yan sa mga halimbawa kung gaano katagal ang gulong ng kaso sa ating bansa. Kaya nakakagulat na sa usapin ni Congresswoman Ate Gina Reyes at Allan Velasco ay tila nailagay ito sa 
EXPRESS LANE.

Nakakagulat na dahil lamang sa isang BLOG na ginamit bilang nag-iisa at tanging ebidensya ay kinatigan na agad ito ng COMELEC, COMELEC EN BANC, Supreme Court at ngayon ng HRET. Na ni minsan ay hindi nagkaroon ng kahit anung imbestigasyon, pag lalatag at pagpiprisinta ng mga ebidensya o hearing ngunit nagkaroon na agad ito ng desisyon.

Na kahit mismo ang isang mahistrado mula sa Supreme Court na si Justice Antonio Brion ay nagulat sa bilis ng pagusad ng kasong ito.  


PALABRA DE HONOR

Kung si Justice Presbitero Velasco ang inyong tatanungin, wala sa kanyang bokabularyo ang salitang ito. Sa kapal ng kanyang mukha ay hindi niya nagawang magbitiw bilang Chairman ng HRET upang kanyang mahokus-pokus at maniobrahin ang kakahinatnan ng kaso ng kanyang anak na si Allan Velasco.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na isang CONFLICT OF INTEREST ito kahit na anung pag iinhibit pa ang kanyang gawin.

Bilang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Kataas taasang Hukuman ay walang duda na kayang kaya niyang maimpluwensyahan ang mga taong may kaugnay sa kasong ito.

Paano kaya niya nasisikmura ang mga ito gayong isa siya sa mga kapitapitagang mahistrado ng Supreme Court?


BOSES NG MARINDUQEÑO

Mahigit isang taon na noong naglakad ng pagkalayo layo ang ating mga kababayan para lamang pumunta sa kanikanilang mga presinto, pumila ng pagkahaba haba at nakipag siksikan habang inaantay ang kanilang pagkakataon, tiniis ang init at gutom para lamang maka-boto.

Sana naman ay maisip ito ng mga taong hanggang sa ngayon ay hindi mataggap ang kanilang pagkatalo. Mga taong ganid sa kapangyarihan na gagawin ang lahat ng bagay para sa kanilang pansariling interes. Gagamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila mismo ng taung bayan upang impuwensyahan at maniobrahin ang boses ng taong bayan.


Dahil kung anu man ang magiging kahihinatnan ng kasong ito sa HRET, wala kina Congresswoman Ate Gina Reyes o Allan Velasco ang talo, kundi ang halos Isang Daang Libong Marinduqueñong  bumoto na naniwalang magkakaroon ng PAGBABAGO!


Para sa naging Privilege Speech ni Congw. Ate Gina Reyes, mababasa dito (Privilege Speech)

No comments:

Post a Comment