Monday, 23 September 2013

Pagpapakitang Gilas ng Ang Mata'y Alagaan Party List


Matapos maitampok ng Investigative Documentaries ng GMA News TV kamakailan ang ilan sa sinasabing mga nanalo ngunit kwestionableng mga Party List group.

Agad namang nagpakitang gilas ang isa sa kanila, marahil ay upang matabunan ang isyu at maipakitang karapat-dapat daw talaga silang maging kinatawan ng mga taong may sakit sa mata. Ang Party List group ni Lorna Velasco na Ang Mata'y Alagaan ay kaagad namigay ng mga salamin sa piling matatanda sa ating lalawigan.


Ngunit sa halip na sila ay matuwa sa kanilang natangap na regalo mula sa kongresista, tila inis pa ang kanilang naramdaman. 

Ibis kasing kaginhawahan, sakit sa ulo at pagkahilo pa ang kanilang nadama sa paggamit nito.

Ni hindi pala sila nagkaroon ng check up o kahit anung konsultasyon upang malaman ang kanilang grado, basta agad nalang silang binigyan ng mga ito.

Sobrang panghihinayang naman ang naramdaman ng kanilang mga ka-anak dahil sa pondong nilaan para dito ngunit tila hindi pinagplanuhan at pinagisipan ito.




Friday, 30 August 2013

OFWs sa Egypt at Syria umuwi at magnegosyo na lang




MANILA, Philippines - Hinihikayat ng isang mambabatas ang mga overseas Filipino workers sa Egypt at Syria na umuwi na lamang at magnegosyo upang hindi madamay at maipit ng kaguluhan sa dalawang nabanggit na bansa.

Ayon kay Marinduque Rep. Regina Reyes, may maganda namang programa at tulong na inaalok ng gobyerno sa mga ‘returning OFWs’ kabilang na rito ang ‘livelihood package’ at pagpapautang ng kapital para magsimula ng isang negosyo.

Sinabi ni Reyes, ang Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang nangangasiwa at magkakaloob ng kapital para sa mga nais na negosyo na babalik na OFWs mula sa Egypt at Syria.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) naman ang magbigay ng libreng seminar sa mga nais pasuking ang negosyo ng mga babalik na OFWs.
Muling iginiit ni Rep. Reyes na dapat samantalahin ang mandatory evacuation ng mga OFWs sa Egypt at Syria na ipinapatupad ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Habang may panahon pa at hindi pa nadadamay sa kaguluhan ay umuwi na po kayo,” apila ni Reyes.

Si Rep. Reyes ay dati ring OFW na may pagmamahal at malasakit sa kapwa OFW kaya ramdam niya ang hirap ng mga ito, lalo na ang may mga anak at asawa na iniwan sa Pilipinas.

Mababasa dito


Tuesday, 27 August 2013

Gubat sa Karagatan, Duyan ng buhay..

Photo Courtesy of Mr. Pie Hirondo

Pinangunahan ng kapatirang Alpha Kappa Rho ang isang proyekto na naglalayon upang mas mapangalagaan ang mga mangroves sa ating lalawigan na nasisira dahil sa walang habas na pagputol nito.

Dahil dito, unti - unting tumatamlay ang pangingisda sa ating lalawigan dahil wala ng mapangitlugan ang mga isda at iba pang mga yamang dagat.

Sa pakikipagtulungan ng iba pang mga pampubliko, pribadong sektor at ng opisina ni Congresswoman Regina O. Reyes unti - unti nang manunumbalik ang ganda at sigla ng Luntiang Marinduque!
Photo Courtesy of Mr. Pie Hirondo

"If there is no Mangroves, then the sea will have no meaning. It's like having a tree without roots, for the mangroves are the roots of the sea..."

Thursday, 1 August 2013

Marinduque, among the best neighbours in the Philippines!





THE Philippine Human Development Report 2012/2013 identified Marinduque as among the few provinces in the country that shares high values with their neighbours, speeding the human development progress of its people.

The report, released by the United Nation Development Program (UNDP) and National Statistics Coordination Board (NSCB) this week, means the province exhibited strong local neighbourhood effects in human development agenda.

The UNDP defined human development as a way of giving people more life choices — to lead a long and healthy life, to be educated and knowledgeable, and to enjoy a decent standard of living. The human development index (HDI) was measured as a composite statistics of these three categories.

“Some locations exhibit strong local neighbourhood effects over the period: provinces in the Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM), for example, and a number of other provinces in Mindanao (Bukidnon, Lanao Norte, Sultan Kudarat) are cold spots. On the other hand, Romblon and Marinduque are hot spots,” the report said.

The term “hot spot” in the report means the province shares similarly high values with its neighbours.
The report also showed the commendable and healthy inter-provinces relation of Marinduque in the MIMAROPA Region and Quezon province, which “… positively implicated in the behaviour of average income growth rates of the provinces…”

Among the provinces in the Philippines, Marinduque ranks 23rd in the HDI, four notches higher than Cebu province.

This significant improvement of HDI was attributed to the progressive development agenda of the province through peace and order, human health, agriculture prospects, access between locations, and specific political scenario. (JP/MNP News Team)


Mababasa dito

Monday, 29 July 2013

MSC to MSU Nalalapit na!


Halos 6 na taon nang hinihintay ng mga estudyante ng Marinduque State College na kilalanin ang kanilang kolehiyo bilang isang ganap na unibersidad.

Noon pang 2007, munungkahi na ng dating Congresswoman Carmencita O. Reyes na palitan na ang pangalan ng MSC at gawin itong MSU. Ito ay para magkaroon din ng sapat na pondo upang makapag bukas pa ng mas maraming kurso at makapagpatayo pa ng sapat na silid aralan para dito. Ngunit sa kanyang termino ay umabot lamang ito sa unang pagbasa sa kongreso.

Sa panahon naman ni Congressman Allan Velasco noong 2010 muli nilang "nire-file" ang batas na ito, ngunit ito ay umabot lamang sa ika-tatlong pagbasa sa kongreso.

Ngayon, muli itong munungkahi ni Congresswoman Regina Ongsiako Reyes bilang House Bill 1820. Dinagdag niya dito na kinakailangan din magkaroon ng sapat na kagamitan ang unibersidad na magagamit ng mga mag-aaral upang mas mapalawig ang kanilang kasanayan sa napili nilang kurso.

Sa tulong ng kasalukuyang administrasyon, positibo ang ating kongresista na ito ay maisakakatuparan bago pa man matapos ang kanyang termino sa 2016. 


Thursday, 25 July 2013

Congresswoman Regina Ongsiako Reyes, Kinilala bilang kinatawan ng Marinduque

Sa pagbubukas ng 16th Congress, kinilala ang nanalo at prinoklamang kongresista ng Lone district of Marinduque na si Congresswoman Regina "Ate Gina" Reyes.

Nitong nakaraang State Of the Nation Address  ni Pangulong Benigno Aquino III nagkaroon ng "Rollcall" ang bawat kinatawan ng Kongreso.




Nagkaroon din ng botohan para sa Speakership Position kung saan natili parin si Congressman Feliciano Belmonte Jr. ng 4th District of Quezon City bilang House Speaker.  

Mas Pinaigting Na Parusa Para Sa Magnanakaw at Sisira ng mga Road Signages


Tumataas ang mga naitatalang aksidente sa ating mga kalsada, isa sa mga tinuturong dahilan ay ang pagkawala at pagkasira ng mga "Road Signages" na kinakabit ng mga Local Government Unit at ng Department of Public Works and Highways.

Ayon sa tala ng DPWH, noon lamang Enero ng taong ito ay humigit kumulang na 42,558 piraso ng mga "Road Signages" ang ninakaw o sinira.

Dahil dito, naghain ng isang panukalang batas ang nag-iisang kongresista ng Marinduque na si Congresswoman Regina Ongsiako Reyes upang paigtingin ang parusa para sa mga magnanakaw at sisira ng mga ito.

Nakasaad sa kanyang House Bill 1302:

  • Labing dalawang (12) taon hanggang labing limang (15) taon na pagkakakulong o multa na umaabot sa dalawang daang libong piso (P200,000) hanggang tatlong daang libong piso (P300,000) ang sinumang mapapatunayang nagnakaw, bumili at nagbenta ng mga road signages, early warning device, man-holes atbp. 
  • Anim (6) na taon hanggang sampung (10) taong pagkakakulong o multa na umaabot sa isang daang libong piso (P100,000) hanggang isang daan at limampung libong piso (P150,000) ang sinumang mapapatunayang nagsira o sumira ng mga road signages, early warning device at man-holes atbp.
  • Pagtanggal naman ng kanilang mga benepisyo at hindi na papayagang muling magtrabaho sa kahit anung posisyon sa gobyerno ang sinumang empleyado ng gobyerno na mapapatunayang pasimuno o kasangkot sa pagnanakaw, pagsira, pagbili at pagbenta ng mga road signages, early warning device, man-holes atbp.
Inaasahang mababawasan ang mga aksidente sa ating mga kalsada pag naisabatas na ito.