Monday, 29 July 2013

MSC to MSU Nalalapit na!


Halos 6 na taon nang hinihintay ng mga estudyante ng Marinduque State College na kilalanin ang kanilang kolehiyo bilang isang ganap na unibersidad.

Noon pang 2007, munungkahi na ng dating Congresswoman Carmencita O. Reyes na palitan na ang pangalan ng MSC at gawin itong MSU. Ito ay para magkaroon din ng sapat na pondo upang makapag bukas pa ng mas maraming kurso at makapagpatayo pa ng sapat na silid aralan para dito. Ngunit sa kanyang termino ay umabot lamang ito sa unang pagbasa sa kongreso.

Sa panahon naman ni Congressman Allan Velasco noong 2010 muli nilang "nire-file" ang batas na ito, ngunit ito ay umabot lamang sa ika-tatlong pagbasa sa kongreso.

Ngayon, muli itong munungkahi ni Congresswoman Regina Ongsiako Reyes bilang House Bill 1820. Dinagdag niya dito na kinakailangan din magkaroon ng sapat na kagamitan ang unibersidad na magagamit ng mga mag-aaral upang mas mapalawig ang kanilang kasanayan sa napili nilang kurso.

Sa tulong ng kasalukuyang administrasyon, positibo ang ating kongresista na ito ay maisakakatuparan bago pa man matapos ang kanyang termino sa 2016. 


No comments:

Post a Comment