Friday, 12 July 2013

Brillantes: Walang Batayan ang Ebidensya, Brion: Minadali ang kaso!



 
Noong nakaraang Hunyo 5, 2013 naglabas ng “Dissenting Opinion” si COMELEC Chairman Sixto S. Brillantes Jr, ukol sa kasong diskwalipikasyong na isinampa ni Jospeh Soccoro Tan na ngayon ay kinahaharap ng nanalong Kongresista sa nag-iisang distrito sa lalawigan ng Marinduque na si Congresswoman – Elect Regina O. Reyes.
 

Ayon sa kanya, hindi sapat ang mga dokumento at ebidensyang iprinisinta ni Tan upang patunayan na si Congresswoman Reyes ay isang “American Citizen.” Ang mga “travel records” na kanyang isinumite ay walang saysay, kahit ang “printed article” mula sa panulat ni Eli Obligacion sa kanyang blog ay binase lamang sa mga sabi-sabi at walang naging batayan. Dinagdag pa niya na ang dokumentong sinasabing nangaling sa Bureau of Immigration Certification ay isa lamang Xerox copy” at hindi pwedeng gamiting ebidensya sa Korte.

Iginiit din niya na ang isyu ng “residence and citizenship” ay kinakailangan ng masusuing pag-aaral ng mga ebidensya at ang mga ganitong isyu at dapat pinaguusapan sa isang “full – blown quo warranto proceeding” at hindi sa isa lamang “summary proceeding”.

Inakusahan naman ang ni Justice Arturo Brion sa kanyang “Dissenting Opinion” ang kanyang mga kasamahang hukom sa Supreme Court na masyadong minadali at hindi pinag-aralan ng mabuti ang kaso bago maglabas ng isang desisyon na ibasura ng petisyong pinasa ni Congresswoman Reyes. Kinuwesyon din niya ang mayorya ng hukom kung ano ang kanilang naging batayan upang magkaroon ng agarang desisyon na hindi hinihingi ang komento ng COMELEC ukol sa dito.

Ayon pa sa kanya, “Maliban kung ang isang kaso ay malinaw at maliwanag na nagpapakita na walang naging basehan at dahil lamang sa delikadesa, nararapat lamang sigurong pakinggan ng magkabilang panig bago gumawa ng desisyon na papabor sa anak na miyembro ng hukuman

Ayon naman sa abugado ng Kongresista, nagsumite na sila ng mga dokumento at ebidensya na pinabubulaanan ang mga akusasyon sa kanya. Ilan sa mga ito ay ang Affidavit of Renunciation of Foreign Citizenship na nagpapatunay na tinalikuran na niya ang kanyang pagiging “dual-citizen” noong ika – 21 ng Setyembre taong 2012 at ang Identification Certificate na galing sa Bureau of Immigration na kinikilala ang kanyang pagka “Filipino Citizen ngunit hindi ito binigyang pansin at kinilala ng Korte.  






1 comment:

  1. Dapat na imbestigahan at kung mapatunayang nagkasala ang Comelec members na nag-pawalang bisa sa kandidatura ay tanggalin at gawaran ng kaukulang parusa. Medyo iba ata sa Supreme Court desisyon dahil ito, sa aking pagka-alam, ay binabase lang nila sa legal at hindi sa factual information. Kung may mali sa appreciation ng ebidensya ang Comelec ay dapat Comelec ang managot maliban kung mapatunayan na may malisyosong ginawa si Justice Velasco para ikumbensi ang ibang mahistrado na sumang-ayon sa majority decision.

    ReplyDelete