ISANG impeachment complaint ang nakaumang ngayon laban kay Supreme Court Justice Presbitero Velasco sa pagbubukas ng 16th congress.
Ito ay matapos kumpirmahin ngayon ni Marinduque Rep. Gina Reyes na
ipaghaharap niya ng impeachment complaint si Velasco dahil sa paggamit
ng impluwensya para makakuha ng paborableng desisyon sa Korte Suprema
kaugnay sa election case ng kanyang anak.
Si Reyes ang tumalo kay dating Marinduque Rep. Lor Allan Velasco, ang anak ni Justice Velasco.
Sa isang press conference, sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ni
Reyes na hihintayin lamang nila na magkaroon ng organisasyon sa Kamara
at mabuo ang mga magiging miyembro ng House Committee on Justice.
Pangunahing ground for impeachment na binanggit nina Reyes at ng
kaniyang abogado ay ang culpable violation of the constitution at
betrayal of public trust.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa kung isasama sa reklamong impeachment ang lahat ng mga SC Justices na pumirma sa desisyon.
Ipinaliwanag ni Reyes na hindi siya umano nabigyan ng pagkakataon na
magkomento sa petisyon bago inilabas ang desisyon na isang malinaw na
paglabag sa due process.
Apila pa ng mambabatas kay Velasco na huwag gamitin ang kanyang
posisyon sa Korte Suprema para sa interes ng kanyang mga kapamilya.
Unang diniskuwalipika ng SC si Reyes matapos manalo nitong nagdaang
eleksyon dahil sa kaniyang pagiging US citizen batay na rin sa petisyong
inihain ni Rep. Velasco.
Ipinakita ni Reyes na noon pang October 5, 2005 niya ay itinakwil ang kaniyang pagiging American citizen.
Kasabay nito ay hinamon ni Reyes si Justice Velasco na huwag magtago
sa kaniyang “robe” at harapin siya sa isang debate kahit mismo sa
kaniyang session hall at magsampa ng reklamo sa House of Representative
Electoral Tribunal (HRET) na siyang sumasakop sa mga petisyon at
protesta laban sa isang kongresista.
Para sa buong kwento buksan dito
Kung may influensang ginawa talaga si Justice Velasco ay dapat lang siyang ma-impeach. Mahirap itong patunayan pero kung totoo, hindi dapat manatili ang ganitong uri ng hukom sa pinaka-mataas na hukuman. Nagtataka lang ako kung bakit napaka-bulag ng Comelec sa mga dokumentong nagpapatunay na nag-renounce si Cong. Reyes ng kanyang foreign citizenship at humantong pa sa ganitong issue.
ReplyDeleteSaksakan ng Sinungaling yan si Justice Velasco. Sabe nga ni Marites Vitug sa kanyang Libro. He's like a demon wearing Justice Robe! Pera pera lang yan. Nakakapgtaka pa ngang siya daw ang pinaka mahirap na judge with 9M lang. Mas mayaman pa yung anak niyang baklang si Allan na may 12M na net sa 2012 SALN nila!
Delete