Tumataas ang mga naitatalang aksidente sa ating mga kalsada, isa sa mga tinuturong dahilan ay ang pagkawala at pagkasira ng mga "Road Signages" na kinakabit ng mga Local Government Unit at ng Department of Public Works and Highways.
Ayon sa tala ng DPWH, noon lamang Enero ng taong ito ay humigit kumulang na 42,558 piraso ng mga "Road Signages" ang ninakaw o sinira.
Dahil dito, naghain ng isang panukalang batas ang nag-iisang kongresista ng Marinduque na si Congresswoman Regina Ongsiako Reyes upang paigtingin ang parusa para sa mga magnanakaw at sisira ng mga ito.
Nakasaad sa kanyang House Bill 1302:
Nakasaad sa kanyang House Bill 1302:
- Labing dalawang (12) taon hanggang labing limang (15) taon na pagkakakulong o multa na umaabot sa dalawang daang libong piso (P200,000) hanggang tatlong daang libong piso (P300,000) ang sinumang mapapatunayang nagnakaw, bumili at nagbenta ng mga road signages, early warning device, man-holes atbp.
- Anim (6) na taon hanggang sampung (10) taong pagkakakulong o multa na umaabot sa isang daang libong piso (P100,000) hanggang isang daan at limampung libong piso (P150,000) ang sinumang mapapatunayang nagsira o sumira ng mga road signages, early warning device at man-holes atbp.
- Pagtanggal naman ng kanilang mga benepisyo at hindi na papayagang muling magtrabaho sa kahit anung posisyon sa gobyerno ang sinumang empleyado ng gobyerno na mapapatunayang pasimuno o kasangkot sa pagnanakaw, pagsira, pagbili at pagbenta ng mga road signages, early warning device, man-holes atbp.
Inaasahang mababawasan ang mga aksidente sa ating mga kalsada pag naisabatas na ito.
No comments:
Post a Comment