Mga Pangarap Na Naging Bangungot
Hindi natapos ang panlilinlang sa pangakong tatlumpung libong (30,000) bilang na mga scholars ang kanyang bibiyayaan kung sakali siya ay mailuklok sa Kongreso. Kaakibat mandin ng pahambog at panlolokong pangako na ito ang pagbibigay ng sampung libong piso P10,000 kada semestre sa bawat isa sa kanyang magiging iskolar.
Tunay mandin na wala tayong maaring asahan sa nag-iisang Kongresista ng ating islang probinsya ng Marinduque na si Lord Allan Jay Velasco. Lalo na kung ang pag-uusapan ay ang lahat ng kanyang mga ipinangako. Sadyang maikli ang 3 taon upang hindi maalala ang lahat ng mga pangakong napako.
Ang pangako na monetary assistance para sa mga islolar nya kuno.
“P 10,000.00 piso ang ibibigay kong tulong pinansyal kada semestre sa bawat iskolar kapag ako ang ihahalal ninyo sa Kongreso.”
Muli po nating pasalamatan sa datos ang tagapagpabango ng animo'y mabangis at nakasusulasok na utot ng panloloko at kasinungalingan ni Congressman Lord Allan Velasco na si Ginoong Eli Obligacion.
Ayon sa kay Obligacion, buong pagmamalaki pa niyang ibinaliita na 25% porsyento lang mula sa ipinangako ni Congressman Velasco ang kanila daw na naibigay sa mga iskolar daw ni Cong Velasco, kung mayroon man. Alam mandin nating lahat na noong panahon ni Pareng Edmund ay Sampung Libong Piso (P10,000) na ang ibinibigay na tulong sa mahigit kumulang 27,000 bilang na mga iskolar. Saan napunta yung P 7,500? Saan pa eh di sa bulsa nya! Sinungaling na, Magnanakaw pa! Hang laking pagkakaiba mandin! Basahin
Ano baya ito? Kapos na sa bilang ng iskolar, kapos pa rin sa halagang ipinangako! Ang hindi lang kapos ay ang kasinungalingan at panlilinlang sa ating mga Marinduqueno.
Kung tutuusin ang ipinagmamalaki na halaga na ipinamahagi daw ni Cong Velasco ay barya lamang kung bubusisiin ang ang kabuuan ng kanyang CDF(pork barrel) na natanggap. Lalo na kung ating titingnan ang bilang ng kanya daw na iskolar at ang kakaunti lang na bilang nito kung mayroon man.
Ang lubos na nakasusuklam pa rito ay ang mga lumutang na balita sa kapatagan ukol sa listahan ng kanyang mga multong scholars. Opo, mga multong scholars baya. Nung nakita ng isang estudyante ang kanyang pangalan sa talaan ng mga iskolars daw ni Cong. Velasco ay kanyang ikinagulat sapagkat wala naman nakarating ni sentimong duling sa kanya para sa kanyang pag-aaral. Pinuntahan niya at ng kanyang magulang ang tagapamahala ng iskolarship daw ni Cong. Velasco upang liwanagin ang listahan. Ang naging tugon sa mag-aaral ay "Sige bibigyan ka na namin sa susunod na semestre basta huwag ka lang mag-ingay."
Ang pinaka nakakalungkot dito ay hindi tinanggap ni Cong. Velasco ang mga mag-aaral na dating iskolar ni Pareng Edmund. Karamihan sa bilang na ito ay tuluyang nawalan ng pag-asang muling makapag-aral at makapagtapos kaya't sila ay napilitan na lamang namasukan bilang kasambahay.
Di mandin mapigilang maikumpara na noong panahon ni Pareng Edmund ay inihahatid pa mismo sa kani-kanilang tahanan ang tulong pinansyal para para sa mga iskolar ni upang hindi na gumasta sa pamasahe ang mga magulang at hindi na rin sila kailangang lumiban sa kanilang mga trabaho. Ngayon, sa programa raw ni Velasco bukod sa katiting na nga na bilang na iskolar, delayed pa ang kanilang nakukuhang tulong. Ang masakit pa dito, kailangan pang pumunta ang mga magulang ngayon sa tanggapan ng tagapamahala ni Cong Velasco upang makuha ang katiting na halaga at kapag minalas at wala sa tanggapan ang tagapamahala ay kailangang balik-balikan pa ito. Kaya't kung minsan ay nakakapangutang nalang ang mga magulang upang maibayad agad sa eskwelahan. O tunay na dagdag na pahirap at gastos! Walang tunay na malasakit!
Ang magandang pangarap ng mga mag-aaral na Marinduqueno ay napalitan ng tatlong taong bangungot na dala ng kasinungalingan at pambobola ni Cong. Volasco.